Ok... Kahit ano pa ang gawin namin di na talaga mapipigilan!!! Ilang araw na lang graduation na namin and NAR na kami sabi nga ng friend kong clinical instructor board exam na lang at NARS na daw kami... at "kuliglig" na daw kaming lahat!!! SAYA!!! Pero syempre before ang graduation may Baccalaureate Mass muna, at yun yung ginawa namin sa araw na ito...
6:30am - Nasa haus na kami nila Devs ni Gracey para magbihis... Toxic sa pagbibihis naman talaga kasi ang init ng gala uniform namin, pero natuwa kami nung nakita na namin yung mga itsura namin, after 4 years ba naman sa Nursing di ka ba matuwa at nakapag-suot ka ng gala uniform! Syempre pichur2x muna kami before pumunta sa school, at eto pang kakatuwang eksena, nasa labas na kami ng gate nila Devs, si Tresian nakita namin padating! Pasaway talaga! Late!!! Tapos hihirit pa sana si JC, pupunta sana din sya dun para magbihis kaya lang nasa RFC pa sya nung time na yun, sabi ko sa school na kami magkita, tinanong ko pa sya kung nakabihis na sya, at ang kanyang sagot, "OO anong gusto mo, pumunta ko ng skul ng hubad, hehe ung polo di ko pa suot." Ganun talaga eh... Sinagot ko nga, sabi ko "Y not! Haha!" Bully din ako eh!!!
7:30am - Nasa lobby na kami, and as usual, mga pasaway, nagse-set up pa lang sila sa audi! Ganda talaga!!! But, we got a chance to take some pictures!!! Raaah!!! More pics more fun!!! Moment ko din ito, kasama ko na kasi si Pag-ibig ko nung mga oras na ito, more2x assist ako sa kanya sa pagbibihis nya ng polo!!! Raaah!!!
9:00am - Wala pa rin, andun pa rin kami sa parking lot, nag-a-antay... Kaya kumain muna kami nila JC sa labas, at nakita namin ang 2 pinakamakulit na CI namin, si Doc Day at Sir Pay lang naman... Syempre bulihan to the max ang drama naming lahat dun, may picture taking pa kasama si Pay.
10:00am - Ok start na po ang Mass...
12:00nn - The Mass has ended... May karugtong pa ang pichur taking namin nyan... Mga adik sa pics!!! Eto pa mas malupet, si Gracey at Devs lakas ng trip, nag-palit ba naman sila ng shoes at naglakad talaga kami pabalik sa bahay nila Devs na nakaganun sila pareho... 4Y nga talaga!!!
Tuesday, April 10, 2007
Tuesday, April 03, 2007
Wednesday, March 28, 2007
Destination 101: Boracay!!!
Last March 21-23 2007, ako at ang aking familia ay nasa magandang isla ng Boracay!!! After 8 years tsaka uli ako nakabalik dun! Raah!!!
First Day:
Dumating kami dun lunch time, syempre pagka-check in namin, nag-lunch kami agad, after namin mag-lunch, bumalik muna kami sa cottage, inayos namin ang mga gamit namin, pagkatapos nun, lumabas na kami para mag-libot, syempre ako hindi ko na pinalagpas ang chance na makapag-shopping sa Bora, inikot ko talaga ang buong D'Mall, imagine first day pa lang yan... Naghahanap kasi ako ng pasalubong para sa mga friends ko and syempre kay pag-ibig na din... Nakakatuwa din kasi gusto ko talaga bilhan ng shirt or sando si pag-ibig ko, tapos nung tinanong ko yung mga friends ko na nasa Puerto Galera naman that time kung ano ang gusto nila, ang sabi ni pag-ibig ko ang gusto nya eh black na sando... Raaah!!! Special nga yung pag-ibig kong yun, kasi sa kanya ako nahirapan maghanap ng pasalubong, kagalit naman kasi dun, maganda nga yung design ng shirt wala naman size, kaya challenge talaga sa akin yung paghahanap ng black na sando sa Bora!!!
Nung kinagabihan naman, habang naka-upo kaming 2 ng kapatid ko sa buhangin, medyo nalungkot na naman ako, naalala ko kasi yung mga friends ko na nasa Puerto, ang saya daw nila dun, ang andun pa si pag-ibig ko, kung nakasama sana ako that time sa Puerto, eh di sana naka-upo din ako sa buhangin kasama ang pag-ibig ko... Hindi naman ako makapag-emote sa kapatid ko dahil hindi naman nya alam ang tungkol kay pag-ibig ko... After namin umupo sa buhangin bumalik na din kami sa cottage, at natulog na din kasi tulog na mga kasama namin.
Second Day:
Medyo nakalimutan ko na din ang tungkol kay pag-ibig, kasi marami din kami ginawa nung araw na to. Nagpunta kami sa Puka Beach, at dun ako ay nagbilad sa araw kaya nga ang itim ko ngayon eh... Pagkagaling namin sa Puka Beach, bumalik kami sa D'Mall, syempre still in search pa rin ako ng pasalubong sa mga friends ko at this time nakumpleto ko na talaga ang aking pasalubong!!! Raaah!!! Tapos nun bumalik na din ako sa cottage.
Nung gabi na, syempre dinner, and inom ng cocktails... At kamusta naman yun... ang aking mga kasama eh nabangag! Grabe!!!
Third Day:
Last day na namin sa Bora, pero ako may final shopping pang ginawa sa D'Talipapa, o diba.. Sosyal ang name! Madami din ako nabili dun, kaya nga pagbalik namin sa cottage hindi namin malaman kung paano dadalhin ang mga binili namin... Lunch time nag-check out na kami at sumakay na ng tryk pabalik sa Jetty Port...

Thursday, February 15, 2007
Valentine's Day Celebration...
Hay... Isang Feb. 14 na naman ang nagdaan... And yet still single... But to tell you the truth, this one is the happiest heart's day I've ever had in my whole single life... hehe... Why? Coz, I spent it with my friends, kasama na syempre ang pag-ibig ko dun... After namin manood ng basketball sa school, kami ng mga friends ko ay pumunta sa yellow cab and dun nag-pakabusog kami sa pizza... Sulit sya talaga kahit medyo napagastos ako. Sabi nga namin eh, Singles Night-out daw yun, kasi puro kami single... hehe... Kakatuwa talaga sya... More2x kwentuhan talaga kami dun, kahit may mga duty kami the next day, parang mga walang paki-alam talaga... Hay... I'll never forget that night talaga...
Wednesday, February 07, 2007
What a trip!!!
What a trip!!! Eto lang talaga ang masasabi ko... Isang unforgettable experience for me ang mga ginawa namin sa Laguna nung monday... Naghiking kami ng mga friends ko, and hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na nagawa kong mag-hiking, kasi sobrang tagal na nung huli akong nakapag-hike. Pasaway nga ako dun, akala nga nila si Gracey ang magiging pasaway, pero hindi, AKO pala!!! Nag-uumpisa pa lang kami sa pag-akyat, halos sumuko na ako dahil sa kakatawa, kasi etong si Shyr nag-biro kay Phil, tinutukan ba naman ng malaking bulate si Phil sa mukha, etong si Phil naman, delayed ang reaction, kaya kami tawa nang tawa... Yung daan paakyat sa bundok eh, sobrang tarik, as in matarik talaga, nakakapagod sya... Wala pa kami sa kalagitnaan, ako sobrang pagod na... Actually isa ako sa pinakamabagal maglakad, tapos yung bag na dala ko pa eh, binuhat pa ni TJ, o di ba pasaway talaga! Tapos dun ko din na-experience uminom ng tubig na galing talaga sa bundok, ok sya, masarap... Nagbiro pa nga si Xanthy, lagyan daw namin ng tubo papunta sa Times... Ang kukulit talaga!!! Tapos more2x pics talaga kami!. Eto pa, bilib din ako kay pag-ibig, may dala pa syang kaldero, tapos nag-rarapel kami pababa sa falls dala nya yun, at sobrang tiyaga nya... Kaya tuloy lalo ako na-inlove sa kanya! Pagbaba namin sa falls, ay.. nawala ang pagod naming lahat, ang ganda nung falls, worth it ang paglalakad namin ng malayo!!! Ang sarap ng tubig kahit malamig! Pagkaayos namin ng mga gamit namin, kumain na din kami ng lunch, tapos nagsiligo na kami. Kakatuwa nga eh, kasi walang reklamador sa aming lahat! Nagulat din ako kay sir Mark, kahit payatot eh, ang tatag! After lunch time, nag-pack up na din kami, balak kasi namin tumuloy sa Quezon, pero pagbaba namin ng bundok, umayaw na kami. Pagbaba namin, nakiligo kami dun sa kaibigan ni Pastor, natatawa nga ako, kasi asar yung mga boys namin, ang tagal daw namin maligo... Pagbalik namin ni Gracey sa van, ang kulit ng reaction nila, iba-iba, may nagsabi, "naligo pa kayo?", si sir Pay "ang bango naman ng mga 'to", yung mga boys kasi hindi naligo! ANG BAHO!!! hehe... Tapos nun ang ginawa ko, tiningnan ko naman yung pics namin, ang cute namin!! hehe... Tapos katabi ko pa si pag-ibig nung time na yun, sabay namin tiningnan ang mga pics. Kilig!!! hehe... Nung naka-pwesto na kaming lahat, dun ako sa harap ni pag-ibig umupo, nagulat nga ako dun sa ginawa nya, hinahawakan nya yung buhok ko. Pero di ko na rin yun pinansin, ayoko naman bigyan ng meaning yun... Nung pauwi na kami, dumaan kami sa Exotic restaurant, na-meet ko na din si Samantha... Isang malaking sawa lang naman si Samantha... More2x pics pa nga kami nila sir Pay dun sa Exotic tapos nag-order din kami ng adobong sawa at sawa sa gata... Ok sya, masarap naman, mabuto nga lang... Tapos nun umuwi na kami... Sobrang sakit nga ng mga katawan namin eh, sa van di talaga ako nakatulog, more2x kulitan lang kami. SAYA! The best ang experience kong 'to!!! Raaah!!!
Monday, January 22, 2007
wala lang... emote lang
Love changed me the way I think, act and decide... Sometimes I even go against my own principles and beliefs in life... Loving doesn't always mean I'll be happy... Sometimes all it provides me is pain and misery. Yet I was blinded by strong emotions that I failed to see reality. Sometimes letting go is the answer and it hurts like hell... But soon I'll realize that it's better to see the person I love happy with someone else than lonely with me...
Wednesday, January 10, 2007
Nakakaloka na ito!!!
Ayoko na!!! Kakaloka na talaga ito!!! Ang hirap talaga ma-fall secretly sa kaibigan mo, lalo na kung alam mo na friend lang ang tingin nya sa iyo at alam mo na ikaw lang naman ang may special feelings sa kanya. Ang hirap din na nakikita mo sya palagi tapos ang lagi naman nyang kasama yung isa naming friend tapos palagi silang masaya at nagbibiruan minsan pa nga pagkasama nila ako, para bang hindi ako nag-e-exist. Minsan pa nga nag-se-selos na ako kahit alam ko na wala naman ako karapatan mag-selos. Minsan din naiisip ko, sana hindi ko na sya na-meet para hindi na ako nagkakaganito!!! Hay naku! Kung hindi lang talaga friendship ang mag-sa-suffer, parang gusto ko na sabihin sa kanya, iyon lang naman talaga ang ayoko mangyari, ang masira ang pagkakaibigan namin! Hay naku...!!! =(
Subscribe to:
Posts (Atom)