Thursday, May 25, 2006
my post bday celebration!
Kahapon nagpunta kami ng mga friends ko kasama ang aking itay, kapatid at pinsan sa EK, sa sobrang excitement namin at kagustuhang makapagsaya ng mahabang oras, 12 pa lang ng tanghali umalis na kami dito sa Manila, pagdating namin dun, abay! Sarado pa! Kaya nag-SM Sta. Rosa muna kami. Wala naman kami ginawa dun, naglaro lang naman sa Quantum, at tumambay sa foodcourt habang nag-aantay mag-4pm, yun kasi yung time ng opening ng EK... Pagdating namin sa EK sarado pa sya, pero madami na ang tao na nakapila sa labas, pagpasok namin sa loob, nagpicture-picture muna kami, tapos nag-RIALTO, pagtapos nun, Space Shuttle agad kami! Tapos Anchor's Away! Grabe, nahilo ako sa mga pinaggagagawa namin dun! Puro kami kalokohan!!! Ang kulit nga daw namin sabi ng pinsan ko! hehe... Eto pa nakakatawa sa amin, nung sumakay kami sa Jungle Log Jam, apat kami nila Liza, Gracey, at Sir "Pay", yung last drop dun, ay naku, para kami naligo, sakto pagbaba, splash talaga sa amin yung tubig! Yung left side ba naman namin eh basang-basa! Pero enjoy din sya!!! After nun Flying Fiesta!!! Patuyo!!! Pero wala rin kwenta patuyo namin nung nag-Rio Grande Rapids na kami!!! Totally basa kami dun!!! As in natulo ang mga damit namin!!! Saya!!! Kaloko din yung trip namin nila Liza, JC at King, apat kami nag-space shuttle uli, sa pinakalikod pa kami umupo, at yung pwesto ko, grabe!!! katakot! feeling ko mahuhulog ako!!! At eto pa, 7 lang ang sumakay! ang onti namin! Ok din yung 4D Theater nila! Saya! Nung malapit na kami umuwi, ang trip namin, ulit-ulitin ang Rio Grande!!! Hindi kami tumigil hanggat di basa lahat!!! Ang trip namin basain... Ako!!! Pero hindi ako nabasa talaga, ang nabasa ng todo eh si Sir "Pay"!!! As in parang naligo!!! SAYA!!! HENJOYNESS MAXIMUS!!!! Sarap ulitin ang EK!!!
Wednesday, May 10, 2006
Walang kwenta ang summer ko...
Naiinis ako, hindi ako nakasama sa bakasyon ng mga friends ko sa Cagayan, ayaw kasi ako payagan. Gusto ko talaga sumama dun, pero kelangan pa sila kausapin ng parents ko para payagan ako, eh hindi ko din naman alam kung talagang papayagan ako pag nakausap sila, at nahihiya din ako sa mga friends ko, maaabala pa sila diba, kaya sacrifies tuloy ako. Kaya eto stock ako sa bahay namin, walang magawa kundi mag-internet nalang. Sayang talaga!
Subscribe to:
Posts (Atom)