Wednesday, September 27, 2006

Nice day for me...

Actually kahapon nangyari sa akin 'to... Ngayon ko lang na-i-post. Well, kahapon hindi kami nag-klase sa NCM and Art App syempre tuwang -tuwa na naman kami, pinatulong kasi kami sa auditorium mag-decorate para sa Mass Induction. Nung umaga yung flowers muna ang inayos namin, nag-pichur-pichur pa nga kami habang nag-aayos dun, may pichur pa nga kami na parang graduation lang... Masaya nung natapos namin i-arrange yung flowers, eh di dun muna kami umupo sa hagdan, napicture taking pa kami, ang cute nga ng pics namin eh. Tapos after lunch ang inayos naman namin yung letters na. Kaloko naman yun, ayaw kumapit ng tape, styro kasi yung ginamit dun sa letterings. Tapos yung mga letters na nasa bandang taas, ako at si Jaycee ang nag-kabit. Naglolokohan pa nga kaming dalawa dun, pag-ako kasi ang nagkabit wala sa ayos, nawala lang daw sya hindi na daw naayos, tapos nung bumaba ako, sya na lang yung nag-kakabit dun, sabi nya ang hirap daw, sabi ko ang hirap ng wala ako noh?! Eh nung time na kinakabit namin yung letters, nakasara pa yung curtain, nung bumaba ako, si Jaycee na lang ang nandun, bigla ba naman binuksan yung curtain... Syempre may pagkabully kami, niloko pa namincya, pinalakpakan namin cya... tawa nga ako nang tawa sa kanya. After namin mag-ayos dun sa audi, pinapunta kami ni Phil sa SSC office, pinakain nila kami dun, tapos nagkulitan pa kami, sila Shyr at Reagan nagkantahan pa, ang nakakatuwa si Jake, ang daming nakain na macaroni, naka-lima ata cya... takaw! Tapos nun umuwi na kami...

No comments: