Wednesday, November 29, 2006

The adventures in Baguio!!!

November 24, 2006 (6:00pm)
Friday night nasa school na ako, manonood kasi kami ng pageant, and after nun, pupunta na kami nila Honey, Jaycee, Phil, Bakath and Shyr sa Baguio. Before matapos ang pageant, nag-ka-problem kami, nalaman kasi ng kuya ni Honey na pupunta kami ng Baguio, ang alam kasi sa kanila, may duty kami sa Batangas. Medyo na-badtrip kami nun, lalo na kami ni Jaycee kasi sobrang gusto na talaga namin matuloy yung bakasyon namin sa Baguio. Sabi nga sa akin ni Jaycee, kahit dalawa lang kami, ituloy daw namin... Haler kamusta naman kaya kami kung nagkataon na dalawa lang kami... Goodluck sa akin!!! Buti na lang natuloy din!

November 25, 2006 (1:00am)
Kakatapos lang ng pageant, syempre wala na kami magagawa kundi pumunta na sa terminal ng Victory Liner sa Pasay. Pagdating namin dun, nakaalis na yung bus na papuntang Baguio, kaya yung 3am na trip na ang nakuha namin.

3:00am
At exactly 3am umalis na ang bus namin sa terminal, grabe excited kami nun, before pa nga kami umakyat ng bus nag-pa-picture pa kami. Si Phil ang nakatabi ko sa bus, tapos si Jaycee at Shyr naman, & then si Honey at Bakath ang magkakatabi. Sa sobrang excited ko din hindi ako masyado nakatulog, tapos sa mga stop-overs namin hindi din ako bumaba, pero yung last na stop over namin, bumaba din ako kasama ko si Jaycee at Shyr, nag-toothbrush lang kami. O di ba... Lakas ng trip...

9:00am
Kakarating lang namin ng Baguio sa oras na ito. Ang unang challenge sa amin, ay mag-hanap ng murang hotel, challenge kasi hindi naman kami mayaman, kelangan ma-budget ang aming mga dalang money. Nilakad namin ang buong session road para lang mag-hanap ng murang hotel, lucky us, kasi may nakita naman kami. Pagka-check-in namin sa hotel, naligo muna kami.

Lunch time 'till dinner time
Ok, kainan na... Sa 456 Restaurant kami kumain and syempre, napa-gastos ako agad sa food!!! After ng lunch, gumala na kami. Na-meet din namin yung friend ni Honey na taga-Baguio. Sya yung naging tour guide namin dun. Ang dami namin agad nagawa sa araw na ito. Nag-bike kami nila Jaycee at Shyr sa Burnham Park si Phil at Bakath, ayaw mag-bike kaya sa side car lang sila, si Honey kasama yung friend nya. Pagkatapos namin sa Burnham, nag-Mines View naman kami... Syempre more2x pics kami dun, and bili ng mga souvenirs at pasalubong sa aming mga classmates, and pati na rin kanila Sir "Pay" at Sir "Bochog". After namin mag-mines view, nag-SM Baguio naman kami, pero before kami makarating sa SM, nag-picture taking pa kami sa may Barrio Fiesta, may mga Sculptures kasi dun na mukang totoong tao talaga... Tapos nun, diretso na kami sa SM. After namin mag-SM Nagpunta kami sa Oh My Gulay. Restaurant sya dun na akala mo art gallery, ang ganda nya kasi, tapos over looking pa sa city... After namin dun nag-dinner na kami, tapos nag-boating kami sa Burnham Park.

9:00pm
Guess what we were doing during this time??? Wala pa kami nyan sa hotel... Kami ay kasalukuyang nasa wag-wagan!!! Ang aking friend na si Phil... More2x!!! Best in Barat!!! Dami nya nabili! Puro accessories... Ako naman busy sa pag-uusi sa mga binebenta, wala nga ako masyado nabili nun...

12:00mn
Kakabalik lang namin sa hotel sa mga oras na ito. Syempre before kami matulog, nag-shower muna kami at nag-toothbrush, pero si Phil, borlog agad!!! Tapos yung mga kasama ko kaloka! Kasi nag-request ba naman ng fan!!! Sobra talaga!!! Kakatuwa din sa nakuha naming room, eh sakto talaga sa amin yung bed. 3 single beds sya, tapos pinagdikit nalang namin... muka nga lang kami sardinas... malas ko naman na si Jaycee ang nakatabi ko, grabe naman talaga matulog yun! agawan ba ng pwesto ang drama!

November 26, 2006 (7:00am)
Ok, good morning everyone!!! una akong nagising sa aming lahat, pero di ako agad bumangon, katamad kasi... After namin mag-breakfast, syempre, bihis na uli, tapos gala uli...

Late morning
Ok, kami ay nasa Session road nito, palakad-lakad, tapos nasa ukay-ukay din...

Lunch Time onwards
Syempre lunch time na.. At dun uli kami kumain sa restaurant. Pagtapos namin kumain, nagpunta kami sa palengke, namili kami ng mga pasalubong na pagkain. Tapos dumiretso kami sa hotel iniwan lang namin yung mga dala namin, tapos diretso na sa Mines View uli para mag-food trip... Saya!!! Tapos nag-punta kami sa Good Shepherd, bumili ako ng ube at lengua de gato. After namin mag-punta sa Good Shepherd dumiretso naman kami sa Groto. More2x kami... Simula kami sa pinaka-baba, hanggang sa taas. Nanghina nga ako dun. Pero sarap ng feeling, kasi first time ko maakyat ang groto ng simula talaga sa baba. Syempre sa tuktok, nagdasal kami, tapos picture2x... Nung pababa na kami muntik na ako mahulog, kinuha na nga ni jaycee yung dala ko eh, tapos sabi nya "Mitch sabi sa 'yo mahirap mahulog dito" buti na lang talaga, na-control ko yung balance ko... kundi... naku... kakatuwa din sa mga oras na ito, sobrang lamig na nya... umuusok ang mga bibig namin! Pagka-galing namin sa Groto, nag-dinner na kami, tapos bumalik na sa hotel para manood muna ng TV sa lobby, pero si Honey at Phil, nag ukay-ukay muna nun, kami lang 4 nila Bakath ang bumalik. Pagdating namin, nood kami talaga agad ni Jaycee ng TV, inaantay kasi namin yung Phil Idol. Si Shyr at Bakath naman umakyat muna sa room.

Eto nakakatuwang part habang nasa lobby kaming 2 ni Jaycee... Napansin namin na ang daming nag-check in na mag-jowa, tapos lahat ng nag-check in yun mga babae, puro nakatalikod sa amin... hmmm???? i smell something fishy... hehe... tapos katakot naman yung mga sumunod... mga lasing naman... sabi ko nga kay jaycee, natatakot ako sa ganon, yung may mga lasing... tapos nun... ala na... back to normal uli...

After namin manood, umalis uli kami, nagpunta uli kami sa Calderon street, wag-wagan uli... Si Phil more2x tawad uli... katawa talaga!!! After sa wag-wagan, bumalik na kami sa hotel, nagsitulog na... As usual, si Jaycee na naman ang katabi ko... At mas malupet to... gawin ba akong unan!!! hinigaan ako sa likod!!! at hindi nya alam yung ginawa nyang yun. Tapos eto pa... nagkauntugan pa kami... grabe talaga!!!

November 27, 2006
Whoa!!! Last day namin sa Baguio. huhu... Pero ok na rin... La na kami Budget... 12nn umalis kami sa Baguio, at 6pm andito na kami sa Manila...

What a vacation!!! SAYA!!! SA UULITIN!!!

No comments: